Advertisers
Patay ang isang barangay treasurer nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem sa Antique.
Kinilala ang biktima na si Jose Servano Jr., 41. ng Brgy. Del Pilar, Hamtic, Antique.
Ayon kay Police Major Benjo Clarite, hepe ng San Jose de Buenavista Municipal Police Station, naganap ang krimen sa harap mismo ng old provincial capitol sa Brgy. 8, San Jose sa nasabing lalawigan.
Sa ulat, naglalakad ang biktima kasama ang punong barangay ng bigla na lamang sumulpot ang mga salarin na nakamotorsiklo at pinagbabaril ang biktima.
Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan si Servano na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis naman tumakas ang mga salarin.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.