Advertisers

Advertisers

Lacson napapatawa ‘pag relax ang interbyu

0 343

Advertisers

OKEY talaga ‘pag relax lang ang panayam kay presidential aspirant Ping Lacson, mas madalas ang tawa niya at mas nakikilala siya bilang isang asawa, ama at boss.

Sa video ng iPingTV( https://www.facebook.com/PingLacsonOfficial/videos/241069888013163), may interview din sa kanyang mga anak na sina Jay at Pampi (mister ni Iwa Moto).

Gayundin sa misis ng senador na si Maam Alice, at sa dalawang longtime at trusted aide niya.



Masayang tsinika nina Jay at Pampi ang pagiging istrikto ng ama dahil may curfew raw sila ng uwi pagsapit ng 12 midnight, na minsan ay 10 pm pa.

Idinadaan daw ng ama sa tingin ang pagdisiplina sa mga anak. Pag may ginawa raw mali ang mga anak ay hindi niya ito kokonsintihin.

Pati sa pagtakbong pangulo ng bansa, sinabi raw ni Sen. Ping sa mga anak na walang makikialam sa kanila sa pamahalaan.

Ikinuwento naman ni Madam Alice na nagtataka raw ang kanyang mga kapatid kung paano siya niligawan ng senador gayung tahimik lang ito.

Nang maungkat ang kanyang seguridad, sey ni Sen. Ping na low profile lang ang gusto niya at ayaw niya ng magarbo na parang super VIP ang dating.



Kaya marami ang nagsasabi na magiging maayos na anya ang bansa ‘pag nagkaroon na ng disiplina ang lahat lalo na kung si Lacson ang magiging pangulo ng Pinas. (BKC)