Advertisers
INABSWELTO ng Office of the Ombudsman sa kasong Graft si dating Philippine National Police (PNP) Chief Retired Gen. Oscar Albayalde kaugnay sa kasong isinampa laban sa kaniya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa di umano’y pang-aabor nito sa kasong may kinalaman sa iligal na droga laban sa mga dati niyang tauhan noong 2013 na siya’y Provincial Director pa ng Pampanga PNP.
Ayon sa Sandiganbayan, ibinasura nila ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Albayalde dahil sa kakulangan ng ebidensya at nakitaan din ng ilang butas
Nagpalasamat naman si Albayalde sa lahat ng suporta na kanilang natanggap sa gitna ng mga pagsubok at tila nabunutan ng tinik dahil sa paglabas ng katotohanan.
Ayon pa kay Albayalde, ang desisyong ito ng Ombudsman at ng Department of Justice ay patunay lang na walang basehan at walang ebidensya ang mga personal na pag-atake laban sa kaniya na ang layunin lamang ay sirain ang kaniyang pangalan
Matatandaang maagang nagretiro sa serbisyo si Albayalde noong 2019 matapos pumutok ang kontrobersiya ng mga Ninja Cops o mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga sa Pampanga na kaniyang pinamunuan.