Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA episode ng “Mars Pa More”, naging panauhin ang mag-inang Sid Lucero at Bing Pimentel.
Nakatsikahan ng hosts ang dalawa tungkol sa mga bagay na minsan ay hindi nila pinagkakasunduan.
Sa segment naman na “TaranTanong” sa halip na masentro ang pagtatanong sa mag-ina, sumegway ito sa isa sa co-host ng show na si Iya Villania.
Binasa ni Camille Prats ang tanong na pinaghandaan ng kanilang mga staff kay Iya kaya nalagay ito sa hot seat.
“Totoo ba na si Sid ang mas unang nanligaw sa iyo at ang tulay niya ay si Drew? Oo o Hindi?,”pang-uusisa ni Camille kay Iya.
Hindi mapigilan ni Iya na matawa sa tanong pero wala namang kiyemeng niya itong sinagot ng “Oo.”
Nakantiyawan din si Sid tungkol dito kaya hindi niya maiwasang magpaliwanag sa rebelasyong iyon ni Iya.
Sey ni Sid, si Drew Arellano, ang mister ni Iya ay isa raw sa mga pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz.
Nagkasama raw sila noon at naging magkaututang-dila sa pinakaunang workshop niya na naging instrumento para makapasok siya sa industriya.
Paliwanag naman ni Iya : “Close niya kasi si Drew and I guess he also saw that.. Well, because Drew and I were a love team, nakita rin siguro niya na Drew and I were also close. So, he would’ve been the perfect bridge.”
Nagbalik-tanaw naman si Sid ang sinabi noon ng kaibigan noong mga panahong iyon.
“You know what I said the last time I actually ever tried? I was talking to him and I said, ‘I think she likes someone else’ and he was like, ‘Ah talaga?’ and I couldn’t say it but I was talking to the guy,”hirit ni Sid.
Ang ending, ang girl na minsan pala niyang pinantasya ay mapupunta sa kanyang friend na si Drew.