Advertisers

Advertisers

Say mo Mr. President? BBM NAGPA-DRUG TEST: NEGATIVE!

0 112

Advertisers

KINUMPIRMA ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. na sumailalim at nag-negatibo ang presidential aspirant sa drug test sa isang ospital sa Metro Manila at naisumite ang resulta sa NBI at PDEA.

Ginawa ni BBM ang naturang hakbang matapos magpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine at nagmula sa mayamang pamilya.

Ayon kay BBM, hindi niya iniisip na siya ang pinapatamaan ng pangulo pero sumalang pa rin ito sa drug test para malinaw ang lahat.

Tiniyak ng dating senador na mananatili siyang kontra sa paggamit ng illegal na droga.

Hinamon naman ng nasabing presidential aspirant ang iba pang aspirants na magpa-drug test para masiguro na ang mga mahahalal ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More