Advertisers

Advertisers

Chinese Coast Guard patuloy parin nanakot – Sec. Lorenzana

0 87

Advertisers

PATULOY pa rin ginipit ng Chinese Coast Guard ang resupply boats ng Pilipinas nang magsagawa ito ng resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Martes.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaniyang ikinokonsiderang pananakot at pangha-harass ang ginawa ng Chinese Coast Guard sa resupply boats ng Pilipinas.

Ani Lorenzana, habang nakadaong ang resupply boats sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, may isang rubber boat mula sa Chinese Coast Guard vessel na may sakay na tatlong katao ang nagtungo malapit sa BRP Sierra Madre at kinukuhanan ng mga larawan at videos ang isinasagawang unloading sa mga supplies at pagkain.

Dahil dito agad nakipag-ugnayan si Sec. Lorenzana kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at sinabi ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay maituturing na acts of intimidation and harassment.

“I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” saad ni Lorenzana.

Inihayag naman ng Kalihim na maayos namang nakarating sa kanilang destinasyon ang dalawang civilian resupply boats na minamandohan ng mga tauhan ng Philippine Navy.

Sa monitoring ng AFP Western Command, walang naitalang untoward incidents habang bumibiyahe ang dalawang resupply boats, hindi rin sila hinarang ng Chinese Coast Guard. (Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More