Advertisers

Advertisers

VP Leni umalma na sa fake news laban sa kanyang anak

0 101

Advertisers

PUMALAG si Vice President Leni Robredo sa lumabas na mga fake news tungkol umano sa pagkaka-aresto ng anak nitong si Aika habang nasa US.

Ayon kay VP Leni, ginagawa ng kaniyang katunggali sa pulitika ang lahat para siraan siya.

Inihalimbawa nito ay noong 2017 nang kumuha ng Masters in Public Administration ang anak sa Harvard Kennedy School ay sumulat ang katunggali ni Vp Leni sa pulitika na kanselahan ang pagtanggap kay Aika dahil sa ninakaw umano sa gobyerno ang pinambayad nito.

Iginiit ni VP Leni na kaya tinanggap sa nasabing unibersidad ang anak ay dahil sa kaniyang credentials at hindi dahil anak ito ng bise presidente ng Pilpinas.

Maging ang fake news na lumabas na inaresto ang anak ay sinabi ng pangalawang pangulo na hindi matatawaran ang sipag ng anak sa pag-aaral at hindi sila sangkot sa anumang iligal na gawain.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More