Advertisers

Advertisers

Ipagpalit o panatilihin?

0 426

Advertisers

Naka 1/4 na ang bagong season ng NBA. Panahon na para i-assess ang compostion ng team base sa standings.

Para sa Lakers oras na magdesisyon hinggil kay Russell Westbrook.

Dapat masagot nila ang malaking katanungan? Tama ba na ipinagpalit nila mga player nila sa pangunahing manlalaro ng Wizards? Bagay ba siyang katuwang nina LeBron James at Anthony Davis?



Swak ba siya sa istilo ni Coach Frank Vogel? Magwawagi ba sila sa dulo kung nandiyan ang kanilang numero zero?

Malapit na naman ang stats niya ngayon sa kanyang career numbers.



Bilang kakampi ni James ay may 36.2 na minuto, 20,7 na puntos, 44.5 na FG/%, 30.7 3pt/%, 8.2 na rebound, 8.6 na assist, .2 na block at 1.3 na steal pero may 4.7 siyang turnover.

Hindi naman yan nalalayo sa kanyang buong karera sa liga. Nguni’t 12-11 lamang sila sa Western Conference.



Kung sabihin nilang bagay siya sa koponan at huhusay pa sa mga darating na laro eh di sige. Tapos ating usapan

Pero kung may duda sila at may oportunidad na maka-trade na gusto rin nila ay dapat i-explore ito

Halimbawa si Buddy Hield at isang sentro ng Kings ang involved. 2 para sa 1.

Pwede rin 3-way sa 76ers. Hield at bigman mapunta ng Los Angeles, Westbrook sa Philadelphia at BenSimmons sa Sacramento. Maaari yan. May shooter na sina Coach Vogel at madagdagan ng isang malaki sa ilalim. Tapos nawala pa ang basketbolistang pinakamalaki suweldo sa kanila na baka mahirapan nang may prangkisa na pumayag pa ng exchange.

***

Pinapag-aralan na ng PBA kung pwede ang mga tao sa mga venue sa 2nd Conference. Nasa alert level 2 na kasi ang Metro Manila. Nakikipag-usap na ang Commissioner’s Office sa mga pamahalaan ng Pasig para sa Ynares Sports Center, Pasay para sa Cuneta Astrodome at MOA Arena at QC para sa Araneta Coliseum.

Baka payagan ng IATF kahit limited tutal mga sinehan bukas na.

Mukhang masaya na mga tagahanga sa Pasko.Kung sakali naman makapasok ng tuluyan ang variant na Omicron ay ready din naman sila maghigpit.Ganyan dapat. Handa sa lahat.