Advertisers
Personal na naghatid ng tulong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa lalawigan ng Bohol .
Tinanggap ang tulong mula sa Maynila ni Bohol Governor Arthur Yap, nitong Lunes, December 20.
Kabilang sa mga iniaabot ni Moreno ang mga generator sets na malaking tulong dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente dahil sa epekto ng bagyo.
Ang nasabing generators sets ay mula kay Mr. Eric Sy ng Powerhouse, at financial assistance na nagkakahalaga ng 1 milyong piso.
Ang 500 libo naman ay galing sa Manila LGU alinsunod sa ipinasang resolusyon ng konseho at 500 libo mula sa iba’t ibang personalidad at organisasyon tulad nina Manila 2nd District Cong. Rolan Valeriano, Manila 4th District Cong. Edward Maceda, Mr. Robbie Oca ng Associated Workers Union of Manila, at ng Metro Urdaneta Club Inc.
Layunin ng pagbisita na ito na makapagbigay ng munting tulong sa ating mga kababayan na matinding tinamaan ng bagyong Odette.(Jocelyn Domenden)