Advertisers

Advertisers

DILG, kumpiyansa makakakuha ng Interpol Red Notice ang Pilipinas vs Zaldy Co

0 5

Advertisers

NANINIWALA si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na makakakuha ang pamahalaan ng Interpol Red Notice laban kay dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co.

Sa pulong-balitaan sa Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni Remulla na bagama’t natatagalan ang paglabas ng red notice o international warrant laban kay Co, may hanggang anim na buwan pa bago maproseso ang kanyang aplikasyon para sa asylum sa France.

Ipinaliwanag din ni Remulla na nang matanggap nila ang impormasyon hinggil sa pagkakadetine kay Co sa Prague dahil sa expired nitong Philippine passport, anim na oras pa lamang ang nakalilipas. Nadetine si Co nang 36 oras at nakalaya makalipas ang 72 oras.



Sinabi pa ni Remulla, naunahan lamang sila ng mga abogado ni Co.

Sa kabila nito, hindi aniya nawawalan ng pag-asa ang pamahalaan na mapapanagot si Co na nasa France ngayon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">