Advertisers

Advertisers

Rep. Luistro kumpiyansa…‘SENADO KIKILOS SA IMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA’

0 25

Advertisers

KUMPIYANSA si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na agad na magko-convene bilang impeachment court ang Senado kapag naipasa rito ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Luistro, wala umanong sapat na dahilan para hindi ituloy ng Senado ang impeachment trial maliban na lamang kung maglalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema.

Giit niya, sinunod ng Kamara ang mga probisyon ng 1987 Constitution at maging ang naging desisyon ng Supreme Court kaugnay ng unang impeachment complaints laban sa bise presidente.



Pahayag ni Luistro, na bagamat may ilang senador mula sa Duterte bloc na nagpahayag ng pagtutol sa impeachment proceedings, nananatili silang positibo na mananaig ang proseso ng batas at Konstitusyon. Dagdag niya, hanggang ngayon ay wala namang inilalabas na TRO ang Korte Suprema laban sa proseso ng Kamara.

Noong Mayo 4, inaprubahan ng House Committee on Justice ang committee report na naglalaman ng articles of impeachment laban kay Duterte. Pagsapit ng Mayo 5, inakyat ito sa plenaryo ng Kamara at kalaunan ay ipinamahagi na rin sa mga kongresista ang electronic at printed copies ng Committee Report No. 261.



Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na awtomatikong magko-convene bilang impeachment court ang Senado kapag natanggap nito ang articles of impeachment, alinsunod umano sa Konstitusyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">