Advertisers
UMABOT na sa 29% ang COVID-19 hospital bed at ICU occupancy sa National Capital Region (NCR) sa loob lamang ng isang linggo.
Batay sa ulat ng OCTA Research Group, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang bilang ng mga okupadong hospital beds para sa COVID-19 patients sa NCR ay tumaas pa ng mula 17% lamang noong Disyembre 26, 2021 ay naging 29% na noong Enero 2, 2022.
Maging ang intensive care unit (ICU) occupancy ay tumaas rin ng mula 21% ay naging 29% sa nasabing panahon.
“Hospital bed occupancy seems to be increasing at a faster rate compared to ICU occupancy,” ayon kay David.
Sa kabila naman nito, sinabi ni David na nananatili pa ring ‘very low’ pa rin ang hospital bed at ICU occupancy sa ngayon dahil ang critical level threshold nito ay nasa 70%.
“Both hospital bed occupancy and ICU occupancy are still very low level at this time,” aniya pa. (Andi Garcia)