Advertisers

Advertisers

2022 Bar Exams 2 araw nalang – SC

0 466

Advertisers

MAKASAYSAYAN ang gaganaping 2022 bar examinations matapos magdesisyon ang Korte Suprema na gawing dalawang magkasunod na araw na lang ang bar examinations.

Mula sa dating nakasanayan na apat na araw tuwing Linggo, ay idadaos ang pagsusulit sa darating na Enero 23 at 25.

Ito ay matapos ikonsidera ni SC Bar Chairman Marvic Leonen ang pandemya at hagupit ng bagyong Odette, na nagdulot ng malaking epekto sa mga bar examinees.



Nabatid na pinaikli na rin ang coverage ng bar exams at nag-abiso pa si Leonen na mag-focus sa mga basic principles.

Inabisuhan din ang mga examinees na mag-self quarantine 9 na araw bago ang araw ng pagsusulit.



Magugunitang kinansela ang 2021 bar exams dahil sa covid pandemic. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">