Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,775 bagong kaso; 605 gumaling; 58 nasawi

0 458

Advertisers

HALOS 40,000 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 10,775 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Enero 5, 2022.

Batay sa case bulletin #662, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,871,745 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.



Sa naturang bilang, 1.4% pa o 39,974 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 33,866 ang mild cases; 2,983 ang moderate cases; 1,512 ang severe cases; 1,294 ang asymptomatic at 319 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 605 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,780,109 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.8% ng total cases.

Nasa 58 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman ngunit ang mga ito ay pawang binawian ng buhay noon pang nakaraang taon.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,662 total COVID-19 deaths o 1.80% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">