Advertisers

Advertisers

Kabutihan ni Mang Boy nag-viral nang ipa-Tulfo

0 436

Advertisers

Marami ang nainis kay ‘Mang Boy’ dahil sa paglabas niya ng mukhang katana para sitahin ang mga kapitbahay na maingay, ngunit may mga nagtanggol din sa retiradong pulis dahil sa mga kabutihang nagawa nito dati.

Sa Facebook post ni Ferl Geronimo, binahagi nito ang ilang tulong na ginawa ni Juanito Lazaro, tunay na pangalan ni Mang Boy, sa kanyang mga kababayan.

Makikita ang pamimigay ng pagkain ni Mang Boy sa ilang bata at ginang sa kanilang lugar.



Gayundin ang grocery pack na pinamigay ng pamilya ni Mang Boy noong Pasko.

“Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapitbahay mo Alam na alam nila yan. Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa,” saad ng netizen.



“Itong nag daang Pandemic imbes na i-save niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag- asawa namimili para lamang may maipamahagi sa mga kapitbahay,” saad pa.

Matatandaan na nireklamo si Mang Boy ni Cherry Mae Pelonia nang harapin sila ng retiradong SPO3 dahil sa ingay ng kanilang karaoke.



Umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong, kung saan klinaro ni Mang Boy na flat iron at hindi espada ang kanyang hawak.