Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BUO na sa loob at determinado na ang magandang Kapuso young actress na si Bianca Umali na ngayong taon ay magsisimula na siyang mag-aral at makapagtapos ng kurso sa kolehiyo. Nakatapos naman ng senior high school ang 21-year old Kapuso young actress noong March 2019 sa Veritas Catholic School sa Parañaque City. Kaya qualified siyang kumuha ng anumang college course online.
Kung si Bianca ang papipiliin gusto sana niyang maka-attend ng face to face classses, nami-miss na raw niyang makipag-interact sa mga kaklase pero sa hindi stable na health condition ngayon sa bansa ay hanggang online classes na muna siya.
“Actually, na-miss ko ’yong naka-uniform ako tapos papasok ka sa classroom. ’Yong pakikipag-interact mo with your fellow students ang nakaka-miss, e. But because of COVID-19, mas mabuti na ’yong online classes muna tayo. What’s important is we all get a proper education para may masandalan tayo in the future,” say ni Bianca.
Eh ano naman kaya ang kursong nais tapusin ni Bianca sa kolehiyo?
“Marami kasi akong gustong kunin na kurso. May mga nag-suggest na kunin ko ’yong in-line na sa trabaho ko as an actress. Pero I would like to go into business kaya puwede rin na business course. Mahilig din po ako sa arts and culture. Kung anuman yung mapili ko, pagpupursigehan kong matapos iyon para makakuha ako ng college degree,” dagdag na say ni Bianca.
***
MATAGAL na rin sa showbiz world ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz at marami rami na rin siyang nilabasan na mga proyekto, mapa-telebisyon o movie man ito.
Kaya ganun na lang ang labis na saya ni Rodjun nang alukin siya ng Kapuso Network na mag-lead role sa bagong Kapuso afternoon serye na “My Little Princess” na pagbibidahan nila ni Jo Berry, kasama sina Geneva Cruz, Jestoni Alarcon at marami pang iba.
Para kay Rodjun, maituturing niyang lucky charm ang anak nila ng asawang si Dianne Medina, si Joaquin na pinanganak last year, September 10 at nabinyagan nitong last December 21 kapanabayan sa first wedding anniversary ng mag-asawa.
“Lucky charm sa akin si Joaquin dahil dumating lang siya, ayan, nabigyan na ng lead role ang daddy niya,” unang say ni Rodjun.
Kumusta naman kaya bilang kalabtim ang isang Jo Berry?
“Una kong nakatrabaho ko si Jo sa isang episode ng ‘Wish Ko Lang’. I remember telling her, balang araw magkakapareha tayo kasi lahat ng shows niya, topraters, e.
“And now after almost two years, naging totoo. Napakahusay niyang aktres. Instinctive yung acting niya, e. Masaya rin siyang katrabaho sa set, so I really want to thank GMA for giving me this chance to play a lead role. I’m glad to be part of this project kasi the whole team, napakagaan katrabaho,” dagdag pang say ni Rodjun.