Kathryn mag-aasawa na kaya minamadali ang pagpapagawa ng bahay; Shaina at Piolo tikom pa sa real score sa relasyon
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
YEAR 2017 pa nang pagdudahan na may namumuong relasyon kina Shaina Magdayao at Piolo Pascual.
Lalo na ngang nagduda ang netizens nang mag-viral ang pics nila na nasa beach nito lang October 2021 nang mag-trending ang pics nina Shaina at Piolo na magkasama sa Bohol.
Pansin din sa mga larawan ang sweetness ng dalawa na magka-holding hands, may magkayakap at magkatabing nakahiga.
Sabi ni Piolo what you see is what you get at ayaw na nga raw nitong sagutin ang nagkalat na tsika.
Hahayaan na lang nitong mamatay ang isyu at ayaw na sagutin ang mga tanong ng netizens kung ano nga ba talaga ang lagay ng kanilang mga puso sa isa’t isa.
Sa hiwalay na panayam kay Shaina, 32, sinabi nito na madalas silang magkita ni Piolo, 44.
Pero wala nga raw silang commitment sa isa’t isa ayon kay Shaina.
Kaya naman parang bitin ang netizens sa kani-kanilang sagot itong sina Piolo at Shaina regarding sa real score ng dalawa.
Kung nadadalas nga raw ng pagkikita nina Shaina at Piolo malamang ay mauwi na ito sa pag amin ng dalawa dahil marami naman nabitin sa sagot ng hinihinalang magdyowa na.
***
SA socmed ni Kathryn Bernardo tila malapit na matapos ang pinapagawa nitong bahay na kanyang ipinost.
Halos flooring na lang ang kulang ng nasabing bahay ni Kathryn para sa pamilya.
Kaya naisip ng netizens kaya ba niya minamadali na magawa ang bahay para sa pamilya.
Para pagtuunan naman nito ng pansin ang sariling pagbuo ng pamilya.
May studio rin na ipinagawa si Kathryn na uupahan kung saan ay kumikita na ito at dito nga raw sa studio na ito ikinasal sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Samantala, may bahay na rin naman si Daniel Padilla na naitayo kung saan dito nga raw nito ilalagak ang kanyang pamilya.
May ipon na rin naman si Daniel sa kanyang magiging anak if ever at sa pag-aasawa rin naman daw ang tungo ng magdyowa kaya napag-uusapan na nila ito.
Well, well, well…’Yun na!