Advertisers

Advertisers

Brgy. officials na ‘di bakunado dapat mag-resign o mag-leave muna – DILG

0 424

Advertisers

PINAYUHAN ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na hindi pa bakunado na mag-resign o mag-leave of absence muna habang hindi pa tapos ang pandemya.

Ito ay kasunod ng kautusan sa mga barangay officials na hanapin at pagbawalang lumabas ang mga residente nila na hindi pa bakunado.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, maaaring arestuhin ang mga barangay officials na ayaw magpabakuna.



“Kung talagang hindi pa bakunado, puwede naman kayo mag-resign o kaya mag-leave kayo hangga’t di tapos ang COVID-19. Nakakahiya kayo. Biro ninyo, kayo magpapatupad ng batas tapos kayo pala ‘di bakunado?” ani Diño.

Hinimok pa ni Diño ang mga barangay officials na magpakita ng pruweba na sila ay bakunado na upang mahimok ang mga residente na magpabakuna.



Sa tala ng National Task Force Against Covid-19, umabot na sa 70% ng populasyon ang bakunado. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">