Advertisers

Advertisers

Covid update: 37,154 bagong kaso; 30,037 gumaling; 50 nasawi

0 277

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong 37,154 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Enero 16, sanhi upang umabot na sa mahigit 287,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #673 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,205,396 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 9.0% pa o 287,856 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.



Sa mga aktibong kaso, 273,924 ang mild cases; 9,212 ang asymptomatic; 2,940 ang moderate cases; 1,475 ang severe cases; at 305 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 30,037 bagong gumaling sa sakit sanhi upang umabot na sa 2,864,633 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 89.4% ng total cases.



Nasa 50 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Linggo.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,907 total COVID-19 deaths o 1.65% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">