Advertisers

Advertisers

PNP nagbabala sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards

0 285

Advertisers

MARIING nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag gagamit ng pekeng vaccination cards dahil tiyak na papatawan ng parusa.

Ito ay kasunod ng naglabasang ulat na laganap ang mga pekeng vaccination cards dahil may mga ilan na ayaw pa rin magpabakuna.

Ayon kay Philippine National Police Chief Dionardo Carlos, ang sinumang mahuhuli na may hawak ng pekeng vaccination cards ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P50,000 at pagkakulong ng mula isa hanggang anim na buwan.



“Don’t ever attempt to falsify the cards or else you will face raps,” ani Carlos.

Ang police crackdown kontra pekeng vaccination cards ay naglalayon na matiyak na tanging mga bakunado lamang ang makakalabas ng bahay.



Ito ay sa gitna na rin ng lumolobong covid cases dulot ng Omicron variant. (Jonah Malari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">