Advertisers
NAG-IIYAKAN at halos humahagulgol na ang lahat ng mga vendors dito sa Plaza Miranda hinggil ‘di umano sa taas ng tarang hinihingi sa kanila araw-araw ng mag-tiyuhing pulis na nakatalaga dito sa Plaza Miranda detachment.
Ang mag-tiyuhing pulis na ito ayon sa mga vendor ay inoobliga silang magbigay ng tarang P200 sa bawat karton, mataas daw ng konti ang mga vendor naka payong at mas mababa naman daw kung sa bilao lang nakalagay ang iyong kalakal.
Hindi umano sila pwedeng mag-pass o hindi magbayad kada araw dahil ipapagiba at ipapakumpiska daw sa mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS) ang kanilang mga kalakal kasama na ang kanilang mga karton, payong at bilao.
Hirap na hirap na daw sila sa buhay lalo na sa panahong ito ng pandemya, lalo pa silang pinapahirapan dahil sa mandatoryong pagsingil sa kanila ng tara na kanila daw obligasyon na ibigay araw-araw.
Wala naman daw problema dito sa tara na talagang obligasyon naman nila, ang pinapakiusap lang daw nila ay konti unawa at konsiderasyon na mabawasan man lang daw kahit konti ang kanilang tara dahil sa hindi naman daw pirmis ang kanilang kinikita araw-araw.
Hindi daw uso ang bokabularyong tulong at unawa sa mga pulis na ito gaano man kahirap ang sitwasyon bagkus ay bubulyawan pa sila ng mga ito at sasabihang huwag na lang silang magtinda kung di rin nila kayang ibigay ang kanilang responsibilidad.
Wala rin naman daw silang magagawa kundi sumunod sa patakaran. Alam na alam din daw nila na halos ang mga ito lang ang kanilang pinag hahanapbuhay ngunit ayos lang daw basta’t may kitain lang sila kahit konti.
Napag-alaman din natin na nagkaroon din ng komosyon sa pagitan ng mga vendor at mga pulis dahil sa mainit na argumento. Umabot daw ito sa batuhan at girian na naawat din naman kinalaunan.
Sa tagal ng panahon nila sa pagiging vendor sa Plaza, ito na daw yata ang pinakamalupit na mga pulis na humawak ng detachment partikular na sa larangan ng singilan ng tara.
Halos tatlong linggo pa lang daw na nakadestino ang mga pulis na ito sa Plaza Miranda detachment ngunit ka-kaibang unos at asal daw ang kanilang nararanasan.
Kinilala nila ang bagong upong enkargado o bagman na isang BOY RECTO. Bingi at lagi daw sarado ang dalawang tenga lalo na kung ikaw ay hihingi ng unawa at konsiderasyon, super-lupit daw talaga ito.
Nuknukan din daw ng talim at tulis ang kinuha nitong kolektor na kapuwa din nila vendor, IGON TOMBOY naman ang bansag dito.
Ang bagong detachment commander ng Plaza Miranda ay kinilala ng mga vendor na si MAJOR SORIANO. Pamangkin lang daw ito ni Boy Recto kung kaya’t Uncle kung tawagin siya nito. Sunod-sunuran lang daw ito sa mga suhestiyon ni Uncle Boy Recto na kung titingnan ay malaking kalokohan, ano ka Major pinanganak kanina he he he
Iyan ang tinatawag na tandem o one-two-punch ng mag-tiyuhin na tila parehong matalim, matulis at isa lang ang patakaran sa buhay… PERA PERA LANG, PWERA DAMDAMIN… ‘di po ba?
Ilan beses namin sinubukang makausap si Boy Recto at si Major para kunin ang kanilang panig nguni’t hindi ito matagpuan o sadyang naglalaro ng taguan pong.
GREETINGS…
HAPPY HAPPY 46TH BIRTHDAY TO A KIND-HEARTED BUSINESSMAN WHO IS KNOWN TO MANY AS MR. ROBERT CAY ON WEDNESDAY JANUARY 19, 2022.
MAY YOU HAVE MANY MANY MORE BIRTHDAYS TO COME, GOD BLESS AT MABUHAY KA SIR!!!