Advertisers
KINUMPIRMA nina presidential aspirants Manila Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo na mas malakas sa kanila ang katunggaling si dating Senador Bongbong Marcos Jr., base sa sarili nilang pa-survey para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9, ng taon.
Sa pa-survey ni Isko, pumapangalawa siya kay Marcos o BBM at malapit na pumapangatlo si Leni.
Sa pa-survey naman ng kampo ni Leni, pumapangalawa siya kay BBM at nasa malayong pangatlo si Isko.
Pero kapag na-disqualify si BBM sa kanyang kandidatura dahil sa conviction niya sa hindi pagbabayad ng tax sa loob ng apat na taon noong gobernador pa siya ng Ilocos Norte ay malamang na mapunta raw kay Isko ang suporta ng mga DDS at Marcos loyalists, sabi ng kampo ni Isko.
Ang ginawang basehan rito ng kampo ni Isko ay ang pahayag ng kampo ng running mate ni BBM na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na gusto nilang mga DDS na iwanan si BBM at sumanib nalang kay Isko.
Ito ay dahil narin sa ayaw ng ama ni Sara na si Pangulong Rody Duterte kay BBM dahil “adik” raw ito sa cocaine, suporter ng komunista, tamad, mahinang leader, anak ng magnanakaw at sinungaling.
Pakiramdam ni Isko ay siya ang susuportahan ni Pangulong Duterte kahit ilang beses na siyang binaboy nito. Hehehe…
Pero matigas na nanindigan si Sara na hindi niya iiwanan si BBM dahil nangako siya rito at pinaninindigan niya ang pangakong iyon. Yun lang!
Ang resolution sa petition laban sa kandidatura ni BBM ay malamang na ilabas ng Commission on Election nitong Lunes, Enero 17, kungsaan habang sinusulat ko ang pitak na ito ay inaabangan na ng lahat ang desisyon.
Sabi ni Comelec spokesman James Jimenez, sakaling ma-disqualify si BBM, ang maari lamang pumalit sa kanya ay ang kanyang kaanak. Posible si Senadora Imee Marcos, sabi ng Chief of Staff ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez.
Kaabang-abang ang sunod na kabanata. Huwag bibitaw…
***
PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media ang ginawa ni Cavite Governor Jonvic Remulla na pag-delete sa kanyang sariling pa-survey sa tweeter para sa presidentiables, matapos lumabas na masyadong malaki ang lamang ng kalaban ng kanyang pinapaboran o sinusuportahang kandidato.
Sa naturang pa-survey ni Jonvic, si Robredo ay nagtala ng 81 percent laban sa tatlong presidentiables na sina Marcos (11 percent), Lacson (7 percent) at Pacquiao (1 percent).
Apat na pangalan ng presidentiables lang ang sinama sa survey dahil ito lang ang puwede sa Tweeter, sabi pa ni Jonvic. Hindi niya sinama ang presidentiable na si Manila Mayor Isko Moreno na minsan na niyang binakbakan sa social media.
Ang rason ni Jonvic kung bakit kaagad niyang binura ang kanyang pa-survey ay dahil gumagawa uli sila ng bagong porma ng pa-survey.
Si Jonvic ay sumusuporta sa kandidatora ni Marcos.
Anyway, kahit sa pa-survey ng Manila Bulletin sa Tweeter ay malaki ang lamang ni Robredo sa mga katunggali.
Pero kapag sa Facebook page ang pa-survey, lumalamang ng malaki si Marcos laban sa ibang presidential aspirants.
Pero ang tunay na survey ay sa Mayo 9, apat na buwan mula ngayon. Go out and vote kahit may Covid-19 pandemic.