Advertisers

Advertisers

‘Maging matapat’

0 663

Advertisers

NOONG Sabado, nakatanggap ako ng kalatas mula sa Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP), isang bagong tatag na advocacy group na nagsusulong ng ilang programa at adhikain na angkop sa darating na halalan pampanguluhan sa Mayo. Tungkol ito sa kanilang kampanyang “Be Honest” (Maging Matapat), isang halagain (value) na ang layunin ay itaguyod ang katotohanan, integridad, at kalinawan (transparency) sa halalan.

Pinangunahan ni Bishop Pablo “Ambo” David, kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at obispo ng Diocese of Caloocan, ang kampanyang Be Honest. Si PV Beley, isang laiko, ang nangunguna bilang pangulo kampanya na nagbubuklod sa mga mangangalakal at propesyonal ng bansa. Opisyal na inilunsad ang kampanya noong Sabado sa magkasamang agahan na kasama si Obispo Ambo at pulong balitaan kung saan ipinaliwanag ang programa ng kampanya.

Bahagi ang kampanyang Be Honest ng isang pambansang kilusan upang hikayatin ang mga botante na maging mapanuri sa paghalal sa susunod na mga pinuno ng bansa. Nilalayon ang pagbibigay ng paraan upang masusing pag-aralan ng mga mamamayan ang mga usapin na humaharap sa bansa. Nilalayon ng kampanya na ilatag sa mga botante ang mga pamantayan sa pagpili ng mga pinuno ng bansa.



Isang personal na desisyon para sa bawat botante ang pagpili ng mga susunod na lider, ngunit layunin ng kampanya na bigyan ng basehan na ayon sa moralidad ang pagpili, ani Beley. Mahalaga na nababatay sa mga halagahing Kristiyano ang pagboto, aniya.

May nakalinyang aktibidad para sa kampanyang Be Honest, ayon sa isang pahayag. Kasama ang BCBP sa mahigit sa 20 organisasyong nakabatay sa pananampalataya na maglulunsad ng programang Halalan 2022 kung saan bibigyang diin ang katotohanan upang muling malisya ang sambayanan sa paghalal ng hindi karapat-dapat.



Bagaman walang sinabi ang BCBP, malinaw na isa itong kampanya upang kontrahin ang pamamayagpag ni BBM sa halalan. Kinakatawan ni BBM ang pandaraya, kasinungalingan, at kawalan ng katapan sa pulitika ng bansa. Malinaw na hindi siya ang kandidato ng Simbahang Catolico Romano. Itinatakwil si BBM, madaling salita.

***



HABANG sinusulat ko ang kolum na ito, hindi namin alam kung ano ang desisyon ng Comelec sa petisyon ng humihingi ng disquaification ni BBM. Ngunit pinangunahan kami na nakahanda ang kampo ni Leni Robredo kung ano ang desisyon. Mas matindi ang paghahanda ng kanyang kampo sa sandaling payagan ng Comelec. Kampanyang puspusan at hindi lulubayan si BBM. May ilalatag na organisasyon at programa upang ikampa ang Leni-Kiko ticket hanggang sa pinaka-laylayan ng bansa.

Ganyan ang totoong pagnanasang politikal (political will). Hindi dapat pabayaan ang puwersa ng kadiliman na namayagpag sa bansa. Huwag pumanig sa mga sinungaling, mandarambong, at mandaraya. Kasama sa programa ang matinding bakbakan sa lahat ng uri ng media hanggang sa tradisyunal (pahayagan at broadcast) at sa social media. May programa para bumaba ang kampanya sa pinaka liblib na bayan at programa sa bansa. Binibigyang pansin ang mga lalawigan kung saan natalo si Leni kay BBM noong 2016 at may plano upang mabaligtad ang resulta sa Mayo. Buo pa rin ang trajectory na mananalo si Leni ng Landslide kay BBM.

Hindi namin alam kung ano ang programa ng ibanng kandidato kapag na-DQ si BBM. Ang balita namin naghahanda si Isko Domagoso na maging kandidato ni Rodrigo Duterte. Sa maikli, ibinatay niya ang kanyang kandidatura sa suporta ng tila nababaliw na lider ng Davao City. Mahina talaga ang ulo ni Isko. Teka, wala naman siyang organisasyon na matatawag.

***

DATING sugo ng Filipinas sa Kuwait si Sahid Sinsuat Glang, isang netizen. Isa siyang masugid na netizen sa social media. Ang kapuri-puri sa kanya ay isa siyang mahusay na manunulat. Hndi siya nahihirapan ipahayag ang kanyang mga ideya. Pakibasa ang sumusunod niyang sanaysay.

SWISS HUMORLESSNESS

It is ironical that while the Swiss people are among the happiest people on earth, they are also known for their humorlessness. According to Eric Weiner in his New York Times best-selling book, “The Geography of Bliss,” this trait has a long and serious history. One academic tells me that in the seventeenth century in Basel, there was actually a prohibition on public laughter.

There is no longer such a law, of course. That’s because there is no need for it. Swiss humorlessness, like most aspects of life here, is self-policing.”

“The Swiss are as fond of rules as the Dutch are of marijuana and prostitution. In many parts of Switzerland, you can’t mow a lawn or shake your carpets on Sunday. You can’t hang laundry from your balcony on any day. You can’t flush your toilet after 10:00 p.m.”

“I met a British woman living in Switzerland who has repeatedly run afoul of Swiss rules. Like the time she came home from working the late shift and shared a few laughs and a few beers with some colleagues. Nothing raucous, just your usual after-work decompression. The next day, she found a note pinned to her door. ‘ Please,’ it said, ‘no laughing after midnight.’ ”

“Leave your car dirty in Switzerland and someone will pin a note to it saying, ‘Please wash your car.’ Not a cute ‘Wash me’ sign that an American might scrawl on it. The Swiss, lacking any detestable sense of irony, mean what they say. Sort your trash improperly, and some nosy neighbor will find the offending item and return it to your doorstep with a curt note attached…”

***

Hindi ko kilala si Troy Sasot at wala akong plano na makilala siya. May isinulat na makabuluhan ang aming kaibigan na si Roly Eclevia tungkol sa kanya. Pakibasa:

PHL can’t revoke Sasot’s citizenship, but Netherlands can deny his petition

Allantroy Rogando Sasot has a pending petition for naturalization with the Netherlands.

He is eminently qualified for the honor, judging by his educational background. By his own account, he holds a bachelor’s degree in international relations, major in world politics and global justice, from Leiden University.

Impressive credentials, especially that part about global justice.

How does he put that education to use? He becomes the lead apologist of President Rodrigo Duterte’s war on drugs, which has so far resulted in the death of thousands, including babies in their mothers’ arms. He justifies the bloodbath on one hand and, on the other, shame and threatens human rights activists who demand a stop to the killings.

Too bad the Philippines cannot revoke his citizenship, but the Netherlands can deny his petition, and, if it is truly committed to human rights, it will.

MGA PILING SALITA: “Nobody can dispute the truthfulness of the following adages: 1.’”Health is wealth.’ 2. ‘For every crisis, there is an opportunity.’ Look how the Philhealth and Pharmally executives took them to heart. They played them by the book for the wrong and sinister reasons.” – Sahid Sinsuat Glang, netizen at dating sugo

“Hindi magnanakaw ang mga Aquino. Hindi sila katulad ng mga Marcos.” – Kris Aquino, aktres