Advertisers
HINDI umano dapat magkaroon ng diskriminasyon ang Local Government Units sa mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Ito ang apela ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta sa gitna ng implementasyon ng no vaccine, no ride policy ng Department of Transportation sa Metro Manila, simula ngayong araw.
Ayon kay Acosta, hindi dapat basta gumawa ng marahas na polisiya o ordinansa ang National Government at mga Local Government Unit.
Dapat anyang bigyang karapatan ang lahat, partikular ang mga unvaccinated na gumamit ng pampublikong transportasyon dahil wala namang batas hinggil sa mandatory vaccination.
Iginiit ni Acosta na isang paglabag sa karapatang-pantao ang no vaccine, no ride policy dahil may karapatan din ang lahat na ingatan ang kanilang sariling katawan sa sarili nilang paraan.
Samantala, nananawagan din ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga Local Government Unit, partikular sa mga Barangay official na maging patas sa pagpapatupad ng No vaccine, No ride policy.
Bagaman naniniwala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi “absolute” ang nasabing polisiya ng Department of Transportation, ang tunay na issue ay kung maipatutupad ba ito nang maayos at hindi magdudulot ng kalituhan.
May mga exemptions sa naturang kautusan partikular sa mga hindi bakunadong mayroong medical condition na kailangang magpakita ng medical certificate.
Ang pangalawa anilang exemption ay mas malawak kung saan pwede pa ring makasakay sa public transportation ang unvaccinated kung bibili ng essential goods, tulad ng pagkain o gamot na kailangan naman ng Barangay certificate bilang patunay.
Nababahala naman ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa parusang ipapataw sa mga operator at driver na lalabag dito sa polisiya lalo’t libu-libo ang pasaherong maaaring maapektuhan kung mababawasan pa ang mga jeep o bus.
Ipinunto rin ng grupo na tama naman ang DOTr na protektahan ang bawat mananakay laban sa COVID-19 pero dahil sa dami ng nais ipatupad ng ahensya ay hindi malayong malimutan nito ang tunay nilang layunin na tiyaking mayroong masasakyan ang publiko.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas at tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood live streaming at Youtube chanel.