Advertisers
Patay ang isang barangay captain nang pagbabarilin sa Guagua, Pampanga nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima bilang si Rainer ‘Balut’ Asban, 45-anyos, kapitan ng Barangay Sto. Niño.
Ayon sa ulat, nasa isang gas station si Asban at may kausap sa telepono nang lapitan ng ‘di pa nakikilalang salarin at pinagbabaril 9:00 ng gabi.
Patay agad si Asban nang magtamo ng tama sa ulo, pisngi at braso.
Nakatakas ang salarin na nakasuot ng itim na t-shirt, short at face mask.
Isa sa tinitingnan anggulo sa krimen ang ilang isyu na kinasangkutan ni Asban sa palengke.(Mark Obleada)