Advertisers
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagre-release ng P1.185 bilyong pondo mula sa contingent fund noong nakaraang taon para ipangbayad sa special risk allowance ng health workers.
Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go, ilalaan ang pondo sa health workers na direktang tumutugon sa mga pasyente ng COVID-19 at hindi pa nakatanggap ng kanilang SRA.
Pahayag ni Go, mga sundalo ng giyera sa pandemya ang health workers kung kaya marapat lamang na bigyan ng tamang kompensasyon.
Katunayan, ayon kay Go, mga bayani kontra COVID-19 ang health workers.
Sa ngayon, nasa 496,000 na health workers na ang nabigyan ng kani-kanilang SRA.