Advertisers

Advertisers

Pulis ‘killer’ ng bumbay at kagawad­, timbog!

0 277

Advertisers

Arestado ang isang pulis at kapatid na lalaki nang ituro ang mga ito sa pagdukot at pagpatay sa isang Indian national at idinamay pang ­itumba ang ru­mespondeng barangay kagawad sa Purok-5, Brgy. Maporong, Albay, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga inaresto na sina Cpl. Bryan General Aquilar, residente ng Brgy. Gabon, Polangui at crime investigator ng Polangui Municipal Police Station; at half brother nitong si Raymond Isaac Salanga, 23, residente ng Brgy. Mendez, Polangui, Albay.

At ang mga biktima na kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City kinilalang sina Parmindes Singh, Indian national, ng Brgy. Gabon, Polangui; at Marlon Encabo Rebusquillo, 43, kagawad ng Brgy. Maporong, Oas, Albay.



Sa ulat, 11 ng umaga nang tumawag sa Oas Police Station ang kapitan ng Brgy. Maporong kaugnay sa aksidente sa kanyang lugar nang mawalan ng kontrol at mahulog sa palayan sa tabi ng kalsada ang isang ­puting Toyota Wigo.

Nabatid na habang wala pa ang mga rerespondeng pulis, unang rumesponde sa naturang lugar si Kagawad Rebusquillo lulan ng motorsiklo.



At pag­dating ni Rebusquillo sa lugar naabutan nito ang hindi naka-unipormeng si Cpl. Aguilar at tinanong kung sino ito pero ibinalik ng huli ang tanong sa kagawad.

Bunsod nito, tumalikod si Rebusquillo para i-park ang kanyang motorsiklo sa tabi ng kalsada pero walang kaabug-abog na pinutukan siya sa ulo ng pulis saka sunod na binaril si Singh.



Matapos ang pagpatay sa dalawa, tumakas si Aguilar gamit ang motorsiklo ng naturang kagawad.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis, inabutang nakahandusay at duguan ang mga biktima kaya agarang isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Oas Police, bumalik pa umano si Aguilar sa pinangyarihan ng krimen dahilan para ­makilala ng mga saksi. Dito na siya inaresto ng mga kabaro makaraang ituro ng mga testigo.

Sa follow up operation, naaresto naman ang kinakapatid ng pulis na si Salanga.

Napag-alaman na bago naganap ang pamamaril, 9:00 ng umaga dinukot ng magkapatid ang nasabing Indian at isinakay sa ­puting kotse. Pero dahil sa paglaban at pagpupumiglas ang biktima nawalan ng kontrol sa manibela si Aguilar kaya tumalon sa palayan ang naturang sasakyan na umalarma sa barangay.

Kasong kidnapping at double murder ang isinampa kay Aguilar at Salanga.