Advertisers

Advertisers

P3.2M marijuana at shabu nasama 7 tulak sa Bulacan

0 160

Advertisers

Nagkakahalaga ng P3.2 million marijuana at shabu ang nasamsam at pagkakadakip ang pitong drug suspek kabilang ang dalawang minor sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malolos at San Jose Del Monte, Bulacan

Kinilala ang mga nadakip na mga suspek na sina John Archie Sabado y Argulla, 32, ng Bongabon, Nueva Ecija; Arturo Trinos; Norilyn Mariano; Annalyn Dupra; Sanny Bernardo; at 17 anyos na minor, pawang taga Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay BGen Matthew Baccay, Regional Director PRO3 ang unang buy bust operation isinagawa ng mga Malolos City Drug Enforcement Unit sa Brgy Panasasahan, Malolos City Bulacan.



Nasamsan ng mga otoridad ang may 20 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P 2.8 million.

Samantala, naaresto naman ng mga otoridad ang 5 drug pusher kabilang ang isang minor sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na element ng PDEA RO-3 Bulacan PO, Provincial Intelligence Branch, PDEU at SJDM CPS sa Minuyan Proper, CSJDM, Bulacan.

Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang 12 pcs heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 grams na nagkakahalaga ng P400,000.

Sumasailalim ang mga suspek sa imbestigasyon habang 2 minor dinala sa City Social Welfare and Development Office habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.(Mak Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">