Advertisers
KASONG murder at paglabag sa International Human Rights Laws (IHL) ang haharpin ni Jose Maria Sison at iba pang lider ng Communists Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kaugnay sa pagpaslang sa dalawang menor de edad na lalaki at pagkasugatbng dalawa pa sa Northern Samar noong isang linggo (February 8, 2022).
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Brigadier Gen Joel Nacnac, hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP)’s Center for Law of Armed Conflict, na si Sison at iba pang lider ng teroristang-komunista ay lumabag muli sa mga isinasaad ng IHL bilang mga ‘principal’ base sa principle of “command responsibility”.
Nahaharap din sila sa paglabag ng Republic Act (RA) 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, bukod pa sanmga kasong murder sanhi ng pagpatay sa isang dose-anyos at isang trese-anyos na kabataang kalalakihan.
Dagdag pa ni Nacnac mga kaso pa ng frustrated murder at attempted murder ay isasampa rin kina Sison at iba pang lider ng komunistng-terorista.
Sa paglalahad naman ni Col Perfecto Peñaredondo, 803rd Brigade Commander, napatay ang mga biktima ng walang kalaban laban at walang kinalaman sa sigalot ng NPA sa pamahalaan. Dahil matiyempuhan lamang ng kanyang mga tropa ang mga kabataang lalaki bago sila pumunta sa lugar na isinumbong sa kanilang may mga armadong kalalakihan.
Aniya inutusan nila ang mga binatilyo na sumunod na lamang sa kanilang likuran baka magkaroon ng bakbakan at yun nga ang nangyari, inambush sila ng NPA na siya ring pumatay sa mga kabataan.
Ang ganito raw na mga sitwasyon ay mahigpit na ipinagbabawal ng IHL lalo na kung winalang bahala ng NPA ang mga sibilyang biktima na nakilala kinalaunan na Andre Mercado, 12, at Leandro Alivio, 13. Malinaw daw itong paglabag sa RA 9851 at IHL ayon kay Nacnac.
Kinundina naman nila Vanessa Marie Yaoyao, Presidente ng Kabataan Kontro Droga at Terorismo (KKDAT) sa Caraga ang ginawang pagpatay muli ng mga NPA at nanawagan papanagutin ang mga lider at miyembro nito.
Wala raw itong pinag-iba sa pagpatay ng mga NPA kay Severino Alvarez, ama ng kanilang kasamahang si John Harold na naulila kasama ang labing-dalawa pa niyang mga kapatid.
“Di lang nila inulila, sinira pa nila ang kinabukasan ni John Harold” ang sabi ni Yaoyao.
Ang kanyang kasamag si Hanna Myka Atienza, taga-pagsalita ng KKDAT ay naghayag namang ikinadurugo ng kanilang mga puso, ngayon pa namang Araw ng mga Puso, ang muling pagpatay ng mga NPA sa dalawang kabataan sa Northern Samar.
“Mga walang puso,” ang patungkol niya sa mga NPA, “ang mga biktima ay maaari pang maging mga engineer, guro o kaya’y mga pulis,’ ang sabi ni Hanna.
Si Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy naman na taga-pagsalita ng NTF-ELCAC para sa Social Media Affairs and Sectoral Concerns, ang nagsabi na dapat ituloy ang pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng balita sa darating na halalan at hinikayat ang lahat na huwag nang iboto ang grupo ng Makabayan Bloc na siyang protektor ng mga teroristang-komunista.
“Magsanib pwersa tayong lahat para matapos na Ang mga komunistang-teroristang ito,” paghikayat ni Badoy.