Advertisers

Advertisers

Takbong konsehal at mister pinatay sa loob ng bahay

0 535

Advertisers

Patay ang isang incumbent Barangay Kagawad at kandidato sa pagka-Konsehal at asawa nito ng pagbabarilin ng 5 armadong kalalakihan nang pasuking ang kanilang bahay sa San Fernando, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na si Ma. Louela Dela Cerna Baringui-an, 45, Brgy. Kagawad at kandidato sa pagka-Konsehal ng Bayan ng San Fernado sa ilalim ng tiket ni Mayor Lakambini “Neneth” Reluya; at asawa nito si Pedro Parba Baringui-an ng Brgy. Panadtaran San Fernando, Cebu.

Sa report, 8:50 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Sitio Tapok-Tapok, Barangay Panadtaran, San Fernando Cebu.



Maghahapunan ang pamilya at ilang kamag-anak nang bigla na lang dumating ang 5 salarin na pawang nakasuot ng bonnet at pasukin ang bahay ng mag-asawa Baringui-an.

Pinagbabaril ng mga salarin ang mag-asawa na ikinasawi noong din habang mabilis naman tumakas ang mga ito sa ‘di nabatid na direksyon. Narekober ng mga otoridad ang iba’t iban uri ng basyo ng bala sa pinagyarihan ng krimen.



Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng naganap na insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan at pagkakadakip sa mga ito.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">