Advertisers

Advertisers

Dibidendo na matatanggap ng Pag-IBIG members mananatili sa higit 5%

0 388

Advertisers

INIHAYAG ng Pag-IBIG Fund na mananatili sa mahigit 5% ang kanilang dividend rates para sa taong 2021.

Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, 5.16% per annum ang rekomendadong Pag-IBIG Regular Savings habang 5.66% per annum Modified Pag-IBIG 2 Savings.

Sa ilalim kasi ng Pag-IBIG Fund charter, ang ahensya ay obligadong ideklara ang 70% ng kanilang annual net income bilang dividends



Ito naman ay pantay-pantay na paghahatian ng mga miyembro ng Pag-IBIG.

Nilinaw din ni Moti na ang dividend rates ng Pag-IBIG ay mas mataas kumpara sa ibang savings accounts at financial products sa merkado



Ipinagmalaki rin ni Moti na kahit na mahigit dalawang taon nang may pandemya, patuloy pa ring tumataas ang kanilang savings. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">