Advertisers

Advertisers

After 2 years: Katoliko puede na magpalagay ng krus na abo sa noo sa Ash Wednesday

0 220

Advertisers

MAAARI nang magpalagay ng krus na abo sa kanilang mga noo ang mga mananampalatayang Katoliko, sa pagdaraos ng ‘Ash Wednesday’ sa Marso 2, na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa inilabas na mga panuntunan ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nabatid na ibabalik na nila ang naturang relihiyosong tradisyon nang pagpapa-krus ng abo sa noo, sa gitna nang paghusay na ng COVID-19 situation sa bansa.

Gayunman, maaari pa rin umanong piliing opsyon ng mga mananampalataya kung nais nilang magpabudbod na lamang ng abo sa kanilang mga ulo.



“The formula for the imposition of ashes ‘Repent, and believe in the Gospel,’ or ‘Remember that you are dust, and to dust you shall return’ is said only once ‘applying it to all in general.’ We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” nakasaad sa guidelines, na nilagdaan ni CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairman Bishop Victor Bendico.

“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an ‘opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season,” anito pa.



Matatandaang una nang itinigil ng Simbahang Katolika ang relihiyosong tradisyon nang pagku-krus ng abo sa noo ng mga mananampalataya sa Ash Wednesday rites noong 2020 at 2021 dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa halip na pahiran sila ng abo sa noo ay binubudburan na lamang sila ng abo sa kanilang mga ulo.



Samantala, sakali naman umanong pahintulutan na ang pagdaraos ng mga relihiyosong prusisyon, sinabi ng CBCP na dapat na mayroon itong koordinasyon sa nakasasakop na lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

“We limit the route of processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing,” anito pa. “Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions.”

Hindi naman nito inirerekomenda ang paggamit ng mga karosa at andas na kailangang dalhin ng mga tao, dahil posible umanong magdulot ito nang pagkakadikit-dikit ng mga tao na magdadala nito.

Ipinayo na lamang ng CBCP na isakay sa mga motor vehicle ang mga imahe sa halip na ipapasan sa mga tao.

Ipababatid na lamang din umano ng CBCP sa publiko ang petsa kung kailan ang online transmission ng mga naturang pagdiriwang dahil ang mga ito ay kailangan ng ‘live telematic broadcasting’ at hindi recorded lamang.

Pagdating naman sa tradisyunal na “Pabasa”, maaaring mag-organisa nito ngunit dapat na tiyaking nasusunod ang health protocols. (Andi Garcia)