Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DATING mga Kapamilya na naging Kapuso sina Pokwang, Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo.
Katunayan, kung pagsasamahin sa isang komedya ay tiyak na riot ito sa katatawanan.
Noong lumipat sina Ai Ai at Eugene sa GMA-7, nabigyan din sila ng sari-sariling programa sa Kapuso network.
Nabigyan ng chance na makapag-host si Eugene ng isang game show at ng kanyang comedy anthology na “Dear Uge.”
Sa kaso naman ni Ai, nakagawa rin siya ng siya ng ilang serye, sitcoms at naging hurado ng reality competitions sa nasabing istasyon.
Lately, nagbabu na ang nag-iisang programa ni Uge at hindi pa sigurado kung mare-renew pa ang kontrata niya sa network.
Si Ai Ai naman na bagama’t mararamdaman pa rin ang presensya ay hindi na rin ganoon kaaktibo maliban sa kanyang stint bilang judge ng “The Clash” at sa kanyang paminsan-minsang appearance sa “All Out Sundays.”
Si Pokwang naman, mula nang lumipat sa Siyete ay ratsada ang guestings sa iba’t ibang programa ng Kapuso network.
Siya na ang most visible ngayon among the three comediennes.
Siya rin ang unang naisip ng GMA network executives na gumanap sa proyektong “Raising Mamay” pero dahil sa kanyang kaabalahan ay napunta ito kay Ai Ai.
Si Pokwang ay kasama sa sitcom na sinasabing bagong “apple of the eye” ng GMA-7 at kasama sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.