Advertisers

Advertisers

Municipal Admin. inambus!

0 412

Advertisers

HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang Municipal Administrator sa bayan ng Marilao nitong Miyerkules ng umaga nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Tibagan Brgy, Sta. Rosa ll, sa nabangit na bayan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap 7:45 ng umaga ng pagbabarilin ang sinasakyan ng biktima.

Kinilala ang nakaligtas na biktima na si Wilfredo dela Cruz Y Diaz 54 anyos, residente ng Brgy. Loma De Gato sa nabangit na bayan.



Nabatid na papasok na sa trabaho si Willy, lulan ng kulay puting mitsubishi Montero na may conduction sticker na B4E851,ng pagbabarilin ang passenger seat ng sasakyan.

Ayon sa ilang saksi, nakasuot ng kulay orange sweet shirt, itim na pantalon at bullcap, ang gunman habang sakay ng Honda wave na kulay itim ang driver na nakasuot ng itim na jacket at kulay blue na maong at itim na helmet.



Masuwerteng hindi nataamaan ng bala ng baril ang biktima dahil sya mismo ang driver nito.

Ayon kay Psms Ariel Gacutan,wala umanong natatangap na bata sa buhay, at wala rin kaaway ang administrador.



Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang 8 basyo ng cal. 45.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.(Thony D. Arcenal)