Advertisers
NAKABIBILIB ang lakas ng following ng Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa TikTok. Patuloy na tumataas ang bilang ng kanyang followers na sa ngayon ay higit tatlong milyon na.
Sa swabe ba naman niyang dance moves at nakahuhumaling na mga tingin, hindi na ito nakagugulat. Talaga namang nakatutok ang fans niya sa bawat video na ipino-post niya sa TikTok. As of this writing, ang “Back To The Beat” dance challenge ang most-viewed sa TikTok ni Miguel at mayroon itong 12.2 million views.
Maganda ang takbo ng career ng aktor ngayon kahit na may pandemic, inuulan ng blessings at endorsements.
Samantala, napapanood din siya sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo sa GMA.
***
Carla Abellana ginawan ng vlog ang pagpapalinis ng bahay
Mahalaga sa panahon ngayon ng pandemya na panatilihing malinis hindi lang ang ating mga sarili kung hindi pati na rin ang ating kapaligiran. Ibinida ni ‘Love of my Life’ star Carla Abellana sa kanyang recent YouTube vlog ang naging proseso sa deep cleaning service na ginawa sa kanyang tahanan.
Aniya, “There’s a pandemic going on and we have to make sure that everything is clean, in good shape, and disinfected para we are all safe at home. You can source your own home cleaning company or cleaners. They do a good job and I believe it’s a really good investment especially during this time.”
Isang happy and satisfied costumer naman ang Kapuso actress matapos ang halos limang oras na pagdi-disinfect at paglilinis ng kanyang bahay. Samantala, wala pang anunsyo kung kailan magbabalik-taping ang pinagbibidahang serye ni Carla na ‘Love of my Life’ kasama sina Rhian Ramos at Mikael Daez.
***
Glaiza De Castro masayang napapanood sa Netflix ang “Sleepless”
Patuloy na tinatangkilik ngayon sa video streaming platform na Netflix ang pelikula nina Glaiza de Castro at Dominic Roco na ‘Sleepless’ simula nang maipalabas ito noong September 3.
Hindi ito nakapagtataka dahil talagang ipinamalas ng dalawang Kapuso stars ang kanilang husay sa pag-arte.
Kuwento pa ng director ng pelikula na si Prime Cruz sa panayam ng GMANetwork.com, “They’re the best. They breathed life into Gem (Glaiza) and Barry (Dominic) in a relaxed easy going way.
“Every time we rolled, it felt like I was just watching two people be themselves and talk, which was perfect for the material. Glaiza and Dom weren’t acting. They were being the characters and it was super easy to shoot.”
Masaya ring ibinahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram post na kabilang ang ‘Sleepless’ sa Netflix Top 10 list dito sa bansa.
“Sa totoo lang, nakaka miss mag shoot ng pelikula. Pero masaya pa rin kaming balikan itong mga nagawa namin, malamang di na kagaya ng dati pag oks na mag shoot ulit pero ang mahalaga, posibleng mangyari.”
Dagdag pa niya, “Tsaka, nakakatuwang makitang nasa Top 10 ang #Sleepless sa @netflixph. Kinilig din akong katabi namin ang IONTBO [It’s Okay Not to be Okay], na isa sa mga nagiging rason bakit di rin kami makatulog sa gabi, lol.” (Rommel Gonzales)