Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SUMALANG sa question and answer ang ama ni Angel Locsin na si Mr. Colmenares sa latest entry sa vlog ng aktres.
Na-reveal na isa palang bemedalled athlete ang kanyang daddy.
Naging coach din ito ng iba’t ibang koponan at naging representative rin ng bansa noon sa Asean games at nakakopo ng bronze medal.
Sa naturang vlog din, inamin ng Kapamilya actress na hindi agad niya nalaman noon na bulag pala ang isang mata ng kanyang amang si Angel Colmenares.
“Medyo sensitive topic ‘to ah, pero hindi ko lang talaga natanong sa ‘yo noon kasi may wall ka kasi daddy, lalo na pag personal eh. For the longest time, walang nakakaalam na bulag pala yung isang mata mo. Ba’t hindi mo sinasabi?” mensahe ni Angel sa ama.
“Yes, maraming hindi nakakaalam,” ganting sagot naman ni Mr. Colmenares.
“Kasi, grabe, nalaman na lang namin nung magpapa-laser si daddy. Yung operation pa nu’ng laser, hindi siya yung parang stay out lang na parang ngayon na pagkatapos, alis na. Du’n overnight tapos bawal siyang galawin. Parang may mga nakahawak pa kay daddy noon para hindi magagalaw yung ulo niya,” pagbabalik-tanaw ni Angel.
Hindi naman ikinaila ni Mr. Colmenares na sobra siyang na-depressed nang maging totally blind siya lalo pa’t isa siyang athlete.
For his peace of mind, sumama pa raw siya noon sa isang Bible group at ito ang simula ng kanyang pagiging spiritual person.
Ito rin daw ang dahilan kaya natanggap niya nang bukas sa loob ang kanyang kalagayan.
Sa naturang vlog, nausisa rin ni Angel ang ama kung sino sa mga naging boyfriend niya ang pinakaayaw ng tatay.
Ani Mr. Colmenares, hindi na raw niya maalala ang pangalan ng naging dyowa ng anak na hindi niya bet para sa aktres.
Nagpapasalamat naman si Angel dahil nakapiling pa nila ng ama sa selebrasyon ng ika-95 na kaarawan nito kamakailan.