Advertisers

Advertisers

‘Elijah,’ napapanahong inspirational drama film

0 633

Advertisers

HINDI mo talaga aakalain na isang bagitong artista pa lang si Rex Gwancha dahil tila bihasa na ito sa pag-arte sa harap ng kamera.
Sa ipinakitang teaser ng pelikulang Elijah na isang inspirational drama film na pinagbibidahan niya, kinakitaan na ng husay sa akting si Rex.
Tsika nga ng binata sa idinaos na pocket presscon ng Elijah nitong nakalipas na Martes, sobra anya siyang nagpapasalamat sa producer at sa direktor niyang si Ryan Manuel Favis sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya na magbida sa nasabing pelikula kahit baguhan pa lang siya sa industriya.
“Nakakataba ng puso na ipagkatiwala sa akin ni direk kahit bagito pa lang ako sa paggawa ng pelikula. Pero salamat din sa gabay sa akin ni direk Ryan at sa workshop na ginawa para mahasa ang kaalaman ko sa pag-arte,” sabi ni Rex.
Ang Elijah ay nakasentro sa isang lalaki na nagngangalang Elijah, sa kanyang mga kaibigan at kung pano sila sumabak sa hamon ng buhay lalo na sa sitwasyon ngayon.
Ipinakita ni Elijah sa lahat kung paano manatili ang kanilang pag-asa kahit ano ang mangyari, manatiling malakas at may paniniwala sa Diyos.
Dumaan sa iba’t ibang pakikibaka at paghihirap ang bawat karakter para masubukan ang kanilang limitasyon.
Kasama rin sa pelikula sina Pauline Ronquillo bilang Elisa, Ralph David Ronquillo bilang Elliot, Abby Nuestro, Katherine Candido, Mark Cadayona, Rhea Usares, Kirsten Mendoza, Reymarc Faller, Markus Patimo, JP Navarro, Michael Justine, Altezza Mikyle Flores, Fitzerald Friginal, Alexis Ginoban, Christine Igmelan, Krysia Anica Barela, Dave Angel Chong, at may special participation si Keanna Reeves.
Ito ay sa direksyon ni Ryan Manuel Favis, ang assistant director ay si Kenneth Lee at mula sa Inding Indie Film Festival.
Sa April 21, ngayon, ang grand screening habang sa April 25, 2022 naman ang Online Screening ng Elijah. (BKC)