Advertisers

Advertisers

Zanjoe trip ligawan ang kabe-break lang na si Kylie

0 217

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

DAHIL sa first time na magsasama sa isang serye ay aminado sina Glaiza de Castro at Xian Lim na hindi kaaya-aya ang first jmpression nila sa isa’t isa.
Gayunman, naging maganda naman ang first scenes nilang dalawa para sa “False Postive” na kanilang pinagbibihan and airing starting May 2 sa Primetime Telebabad ng Kapuso Network.
Ano naman kaya ang first impression nila Glaiza at Xian sa isa’t’isa?
“Impression ko talaga kay Xian, snub. Kasi nu’ng nakita ko siya one time sa isang event na parang pageant yata ’yon tapos host siya, hindi ko alam siguro pag host gano’n, ’yong parang maraming iniisip kasi madami silang sinasabi. So, hindi siya masyadong ano, pala-chat.
So, parang ’yon ’yong ano tingin ko sa kanya, ‘Ay, si Xian, ano ’to, suplado ’to,” say ni Glaiza.
“With Glaiza, I see her as parang rockstar,” panimulang description niya sa kanyang leading lady. “Parang gano’n, e, na parang ‘Im not gonna have any room for your nonsense.’ Parang gano’n, eh. Nakaka-intimidate lang talaga si Miss Glaiza, parang hindi ko alam kung paano siya lalapitan, i-a-approach nang tama. That’s the truth,” say naman ni Xian.
Paano naman kaya na-break ang ice sa first day taping ng serye nila?
“Siguro ano, dahil po sa mga eksena rin ’yong unang-unang ginawa namin ano, e, magpo-propose siya. So, s’yempre kailangan hindi kami mahiya sa isa’t isa, tapos may mga pa-holding hands, may mga pa-yakap,” say pa rin ni Glaiza.
***
HALOS lahat ng kapanabayan ni Zanjoe Marudo na mga hunks actor ay may mga asawa at pamilya na, samantalang siya ay nananatiling bachelor sa edad na 39.
Wala ring tsika sa kanyang lovelife ngayon, as in zero. Sa latest movie ni Zanjoe sa Vivamax, ang “Ikaw Lang Ang Mahal”, streaming sa Vivamax App starting May 20, ay pawang loveless sina Cara Gonzales at ang kaka-break lang sa kanyang partner na si Jake Cuenca, si Kylie Versoza.
May chance kaya na may makarelasyon si Zanjoe sa dalawang ito? At kung may liligawan lang siya, sino kaya ang magiging choice ni Zanjoe na sabihan ng “Ikaw Lang Ang Mahal”? Si Cara ba o si Kylie?
“Si Cara masyado pang bata para sa akin… Medyo bata sa akin si Cara so kay Kylie ko na lang sasabihin,” say ni Zanjoe.
Sabay kambyo naman ni Zanjoe kay Cara sa pagsasabing, “Ihahanap ko na lang ang ka-age n’ya si Cara. Marami akong kaibigan. Mga ka-age ni Cara,” sabi pa ni Zanjoe.
Bokya man sa lovelife ay happy naman si Zanjoe sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon kahit may pandemya pa rin sa bansa.
“Siguro nakita sa akin ng management ’yong courage na, ‘Oh, may artista tayong game, gustung-gusto magtrabaho.’ Kaya siguro nakita nila, naramdaman nila. And every time na binibigyan nila ako ng project talaga namang pinaghahandaan ko,” dagdag pa ni Zanjoe.