Advertisers

Advertisers

Kier proud sa shoes na pirmado nina Ping at Tito

0 183

Advertisers

PROUD sa pagsupor ta sa tambalang Senators Ping Lacson at Tito Sotto na tumatakbong pangulo at pangalawang pangulo sa darating na halalan ang aktor na si Kier Legaspi.
Inilagay pa nga ni Kier sa Facebook ang larawan niya kasama sina Lacson at Sotto at ang kanyang customized shoes na talagang pinirmahan pa ng dalawa.
Saad sa post: “Pinirmahan ni Pres. Ping Lacson at VP Vicente Tito Sotto ang aking customized adidas shoes. So grateful and happy!! Thank you po sa inyo!
Buong pagmamalaking inihayag ni Kier na sumasama siya sa mga campaign rally bilang patunay ng kanyang suporta sa Ping-Tito tandem.
Nakakasama rin ni Kier sa rally sina Iwa Moto na manugang ni Ping at Ciara Sotto na anak naman ni Tito. (BKC)