Advertisers

Advertisers

Juday at Sarah inaabangan ang paglantad at pagsuporta kay Sharon

0 205

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA goggle trends ay mataas si Kiko Pangilinan kaya naman sa mga rally ay talagang all out support si Sharon Cuneta sa mister
Lalo na nga raw nalalagas na ang mga petsa at isang linggo na lang at eleksyon na.
Kaya naman puspusan na ang pangangampanya ng LeniKiko tandem at kailangan masuyod nila ang mga lugar na ‘di pa nila napupuntahan.
Dahilan naman para ikansela na nina VP Leni at Kiko ang pag-attend sa KBP at Comelec Presidentials debate.
Pero nagbigay na ng pahayag ang LeniKiko tandem na hindi na makadadalo sa debate.
Puspusan na ang kanilang kampanya at malapit na itong magtapos sa May 7.
Kung si Sharon ay super appear of course sa mister nito na si Kiko sa mga rally.
Naa-ask naman kung asan na ba ang dalawang malapit sa puso ni Sharon na sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.
Pareho kasing tahimik ang dalawang aktres na malapit kay Megastar kung sino nga ba ang Presidente at Bise Presidente na kanilang susuportahan.
Malaki at dagdag puntos din kasi kung isisiwalat na ng dalawang aktres kung sino nga bang kandidato ang kanilang sinusuportahan.
Till now ay tahimik at wala pa rin paramdam ang 2 na malapit sa kanilang Ate Shawie.
***
Kylie nasa proseso pa ng move-on kay Jake
HiNDI masisisi ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa kung nasasaktan pa rin ito sa break-up nila ni Jake Cuenca.
Nasa proseso nga ng moving on si Kylie. Sa 3 years ba naman ng kanilang pagmamahalan eh sino ba raw ang agad makaka-move on.
Ginawa na nga lang ni Kylie na maging busy sa kanyang trabaho. Kahit kung minsan ay parang ayaw na nito dumalo sa mga natanguang commitment ay gora na lang peg ng actress kaysa magmukmok.
Ngayon nga raw wala na si Jake sa buhay nito at opisyal na ang kanilang hiwalayan ay hinahanap at nami-miss nito ang kanilang matatamis na sandali.
Pero hanggang doon na lang talaga umabot ang kanilang relasyon na pinilit inayos ngunit sadyang wala na.
Pinayuhan si Kylie na gawing busy ang sarili at maging masaya sa araw-araw pero masakit pa rin daw talaga. Well, well, well…’Yun na!