Advertisers

Advertisers

STAR MAGIC PAIINITIN PA ANG TAG-INIT SA “SLAY THE HOT SUMMER”

0 308

Advertisers

BACK-to-back summer treats ang handog ng Star Magic sa patuloy na pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo sa pag-launch ng kanilang pinakabagong digital video magazine na “Slay” at travel reality show na “HOT Summer in Baler” sa “Slay the Hot Summer” event sa Resorts World Manila kahapon, May 1 (Linggo)./
Isang kakaibang Alexa Ilacad ang natunghayan bilang unang cover girl ng “Slay” na nagbibigay pahalaga sa women empowerment at body positivity. Ibinahagi ni Alexa sa digital video magazine ang kanyang karanasan sa shoot at kung paano ito nakatulong sa kanya bilang isang babae./
“Ipinakita nito kung gaano ako ka-deserving mahalin at kung paano ko mahahalin yung sarili ko,” saad ni Alexa.
Nakasama niya sa digital video magazine ang/Ultimate Slaymate na si Thamara Alexandria, at iba pang Slaymates na sina Missy Quiño, Alyssa Exala, at Sharina Villena. Naka-una naman na ang ilang fans nina Alexa at slaymates sa advanced screening at meet and greet noong Biyernes (Abril 29) sa KTX.PH./
Bukod sa “Slay,” inabangan din ang pagsasasama-sama ng ilang Star Magic artists na sina/Maris Racal, Jane Oineza, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Maureen Wrob, Zach Guerrero, Michelle Vito, Karina Bautista, Eian Rances, Brent Manalo, Elmo Magalona, at Andrea Brillantes pati na sina Esynr Ranollo, Alora Sasam, at Pepe Herrera/sa pagpapamalas nila ng ganda ng Baler sa “Hot Summer in Baler.”/Napanuod ang unang episode nito sa May 1 (Linggo) sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Magic./
Sundan ang @StarMagicPhils sa Facebook, Twitter, at Instagram at mag-subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th anniversary celebration ng Star Magic./
Subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th-anniversary celebration ng Star Magic.