Advertisers
NANGUNGUNA si Atty. Alex Lopez sa isinagawang pre-election online survey ng Kabataang Bayanihan na tinawag na Juan Manila Rising: The Manila Mayoral Candidate nitong naka-raang May 3, 2022.
Nakakuha si Atty. Alex ng 52% o 2,670 na boto mula sa kabuuang 5,163 na lumahok sa naturang survey. Pumapangalawa lang si Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 35.5%, sinundan ni Amado Bagatsing na may 5.6%.
Sinundan nitong araw ng Huwebes (Mayo 5) ng isang Mayoral Forum kung saan nakapanayam si Atty. Alex Lopez ng mga student leaders mula sa iba’t-ibang pamantasan sa Maynila. Ang mga katanungan, hinggil sa mga isyung nakapalibot sa mga kabataan at mag-aaral, kagaya ng traffic, youth programs, red-tagging, at iba pa.
Sa panayam, tinanong kung bakit pinili ni Atty. Alex Lopez ang house-to-house campaign kaysa ibang paraan ng pangangampanya. Mahalaga kay Atty. Alex na mahawakan ang mga tao upang mapadama niya ang kanyang puso at maipakita ang kanyang katapatan sa taumbayan.
Iminungkahi rin ni Atty. Lopez ang kahalagahan ng pagsasaayos ng ating pampublikong sasakyan.
Sinabi nito na maganda ang isang pampublikong sasakyan kung ang mga mayayaman pipiliing sumakay dito.
Binigyan diin ni Lopez na hindi sapat ang pagbibigay ng training at kaalaman upang umasenso ang buhay ng isang tao. Kinakailangan din na mabigyan ito ng mga sangkap o kagamitan upang magamit at magkaroon ng silbi ang kaalaman at mga natutunang aral.
Sinang-ayunan ni Atty. Alex ang aktibismo kung saan binigyang diin nito na isa itong magandang senyales ng isang masigla at buhay na demokrasya. Tutol din si Lopez sa red-tagging dahil isang uri ito ng pangha-harras. Pinapaboran niya ang karapatan ng mga mamamayan na mag-isip at magpahiwatig ng kanilang mga hinaing.
Ang patuloy na pag-angat ni Atty. Alex, dala na rin ng kanyang pagiging matapang at may puso para sa iba’t-ibang sektor.
Si Atty. Alex lang ang may komprehensibong plataporma para senior citizens, kabataan, kababaihan, LGBTQIA+, manininda, tricycle driver at operator, mga kapatid nating Muslim, at sa urban poor.
Tunay na makataong pagbabago ang hinahangad ni Atty. Alex Lopez para sa Lungsod ng Maynila at mamamayan nito.