Advertisers

Advertisers

4 mangingisda lasog sa dinamita

0 340

Advertisers

Patay ang apat katao nang masabugan ng dinamitang kanilang ginagawa para sa pangingisda sa Claveria, Masbate nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan Manapao, 30; Eddie Maloloy-on Jr., 20; Jonathan Lape, 41; at Roque Mar Guazon, 19 anyos.

Ang apat na biktima pawang mga mangingisda.



Ayon sa ulat, gumagawa ang apat ng dinamita sa bahay ni Maloloy-on sa Barangay Buyo nang sumabog ang isa sa mga ito 2:30 ng hapon.

Sa tindi ng pagsabog, agad na binawian ng buhay ang apat na biktima.

Batay sa pulisya, laganap sa Masbate ang paggawa ng dinamita para sa pangingisda.