Advertisers

Advertisers

MAG-INANG AGUILAR, MULING NAHALAL NA ALKALDE AT BISE SA LAS PINAS

0 334

Advertisers

PORMAL nang inihayag ng Commission on Election (COMELEC) ang pagkapanalo nila Mayoral re-electionist Mel Aguilar at Vice Mayoral re-electionist April Aguilar mula sa kanilang pagbabalik serbisyo para sa mamamayan ng Las Pinas City.

Natapos ang canvassing alas-5 ng umaga na pinamunuan ni Atty. Edgar Feliciano Aringay na siyang tumayong Chairman of Board of Canvassers kasama si Atty. Marilyn Cynthia Fatima Luang-Vice Chairperson at Dr. Joel T. Torrecampo ng Division Office ng Las Piñas bilang Member-Secretary.



Alas-10 ng umaga ( May 10 ) ay iprinoklama ang pagkapanalo ng mag-inang Aguilar na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa kanilang mga supporters habang naghihintay sa kanilang paglabas sa Session Hall ng Las Pinas City Hall.

Si Mayor Aguilar ay nakapuntos ng 108,644 kabuuang boto laban sa walong katunggali nito samantalang ang anak na si April ay mayroong boto na 123,457 kontra naman sa tatlong naghangad para sa posisyon ng bise-Alkalde.



Ayon kay elected Mayor Aguilar, madami pa silang magagandang proyekto para sa lahat ng Las Piñeros at ipagpapatuloy nila ang mga ito hanggat siya ang nagsisilbing ina ng nasabing lungsod.

Gayunpaman ay lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagpaabot ng walang-sawang pagmamahal upang muling iluklok na alkalde at bise-alkalde ng Las Piñas City.



Nangako din ang mag-inang Aguilar na ang lahat ng programang gagawin nila ngayon ay tiyak na pakikinabangan ng Las Piñeros, higit sa lahat para na rin sa kinabukasan ng mga kabataan at sa lalong ikauunlad ng nasabing lungsod.( JOJO SADIWA)