Advertisers

Advertisers

Nakaka-inggit!

0 540

Advertisers

ANU-ANO nga bang mga bagay ang sadyang nakaka-inggit kay Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.?

Parang lahat na nga yata ng blessings at pagpapala ng Maykapal ay nasa kanya nang lahat.

Yaman, dunong, kasikatan, kapangyarihan,name it all ay nasa kanya na.



Pero hindi ito ang mga bagay na personal nating kinakainggitan sa batang Marcos.

Ngayon araw na ito ay aaminin natin ang isang pinakakatanging bagay na sadyang nais nating makamit o magaya sa pagkatao ni BBM.



Ang kanyang hindi matatawarang pagmamahal sa kanyang mga magulang, kapatid at mga anak!

Lumaki si Bongbong Marcos na literal na may “gintong kutsara” sa kanyang bibig.



Anak siya ng ‘Strong Man’ di lamang ng Pilipinas kundi ng entire South East Asia at that time na Pangulo ang kanyang amang Si Ferdinand Marcos Sr. (Apo Lakay).

Pero sa kabila nito, lumaking mabait na bata si BBM at ang mga kapatid nitong sina Senator Imee at Irene Marcos Araneta.

Magalang sa pakikitungo sa kapwa.

Ang tanong, bakit at paanong maayos na napalaki nina FM at Imelda ang kanilang mga anak sa kabila ng kanilang busy schedules?

Simple lamang, ipinakita ni FM at Imelda ang mga tamang ehemplo sa kanilang mga anak.

Ipinadama ang pagmamahal sa mga bata at tamang pag-uugali para magaya ng kanilang mga supling.

In return, dahil righteous examples ang regular na ipinamamalas ng mag-asawang FM at Imelda kina Imee, Bongbong at Irene, na-adopt ng mga bata ang wasto at tamang pag-uugali.

Natutunan nang kusa ng Marcos children ang wastong asal at ang respeto sa kanilang kapwa lalo na sa kanilang mga kababayang Pilipino.

Pero ang pinakamahalaga sa lahat na sadyang nakakainggit ay ang umusbong na pagmamahal at respeto ng mga batang Marcos sa kanilang amang si FM at inang si Imelda.

Sinubok ng langit ang pamilya Marcos. Mula sa pedestal na kanilang kinalalagyan, napalayas sila sa poder at mistulang hayop na nilait at hinamak nang walang humpay.

Worst, napalayas pa sila sa kanilang mahal na bansang Pilipinas at binansagang mga MAGNANAKAW!.

Persecuted to the max.

Dumaan ang mga araw, buwan at mga taon ngunit walang paglaban o masamang salitang namutawi mula sa pamilya Marcos bilang pagganti o depensa laban sa mga taong nagnanais na durugin ang kanilang pamilya.

Pinili ng mga Marcoses na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at idepensa ang kanilang dangal sa legal na pamamaraan and the rest was history.

Unti-unti, ang mga taong humusga,nanghamak at nagpako sa krus sa mga Marcoses ay kinarma.

Nakabalik ang mga Marcoses sa Pilipinas at unti-unting sinikap na ibangon ang kanilang sinirang pangalan.

Sa tulong ng kanilang mga loyal supporters ay naibalik ng mga Marcoses ang kanilang lugar sa lipunang Pilipino.

Pero ang mga batang Marcos ay nanatiling mapagkumbaba at well-mannered & behave.

Hindi naging confrontational kailanman.

Kaya ba ng isang mortal na nilalang ang mga ganitong asal sa kabila ng matindi nilang pinagdaanan?

Doon tayo naiinggit kay BBM, sa kabutihan ng kanyang puso na mapigil ang matinding galit na namamahay sa kanyang kalooban laban sa mga taong nanghahamak at nang-aapi di lamang sa kanya kundi sa kanyang buong pamilya.

It takes a real man para mapanatili ang tamang kaisipan at kalmadong disposisyon.

Ano nga ba naman ang idudulot ng galit at paggawa ng mali sa pagbuwelta sa iyong mga detractors?

Thinking person si BBM na namana nito sa amang si Apo Lakay.

Diplomasya naman ang nasa forefront na diskarte nito na isang expertise ng kanyang inang si Imelda.

To wrap it all, ang pagmamahal ni Bongbong sa kanyang mga magulang ang naging susi para malampasan nilang mga anak ng Marcoses ang delubyong kanilang pinagdaanan.

Walang minuto o sandaling nagsisi ang mga batang Marcos kung bakit sila naging anak ng isang Marcos.

Nanalig sila sa Diyos at sa mga tamang ginawa ng kanilang magulang at nanatiling matatag at nasa tamang landasin.

Ang susi ay ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang na hindi nila sinukuan hanggang sa pinakahuling mga sandali.

Ilang panahon na lamang at mapapatunayan na ni BBM sa buong mundo na DAKILA at mabuting tao ang kanyang amang si FM sa muling pamumuno nito sa ating mga Pilipino tungo sa inumpisahang direksyon ng kanyang amang si Apo Lakay.

Kung paanong ipinakita ni BBM ang kanyang buong pagmamahal sa kanyang mga magulang, ganito ring ehemplo ang ipinakikita niya sa kanyang mga supling.

Love begets love!

Respect begets respect!

That’s Marcos tradition of love to the Filipino people!

Napaka-simple, lahat ng kabutihan ay nahuhulma, nagmumula at nauumpisahan sa ating munting tahanan at pamilya.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com