Advertisers

Advertisers

Ekonomiya ng Pinas lumago, 8.3% naitala sa 1st quarter ng 2022

0 302

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ng pagtaas na 8.3% sa unang quarter ng taong 2022.

Ito ay mula sa naitalang pagbaba na -3.8 % sa parehong quarter noong nakalipas na taon.

Ang Net Primary Income (NPl) mula sa ibang bahagi ng mundo ay tumaas ng 103.2%.



Gayundin, ang Gross National Income (GNI) ay nagtala ng pagtaas na 10.7% sa unang quarter ng taong 2022.

Sa seasonally-adjusted national accounts, sa unang quarter ng taong 2022, ang GDP ay nagtala ng pagtaas na 1.9% quarter-on-quarter.



Sa kabilang dako, ang income ay nagtala ng 0.8% quarter-on-quarter na paglago sa parehas na period.

Nagsipagtala naman ang Agriculture, forestry, fishing, industry at services ng mga pagtaas na 0.2%, 10.4% at 8.6%.



Ang per capita GDP, per capita GNI, at per capita HFCE ay nakapagtala ng pagtaas na mayroong 6.9%, 9.3% at 8.7%.