Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang nabawas na mga kaibigan kay Toni Gonzaga lalo na noong lumantad siya at ikampanya ang kanyang ninong na si presumptive President Bongbong Marcos.
May mga kumuwestiyon din sa kanya noon nang ikampanya rin niya si Rodante Marcoleta na tumatakbong senador na isa sa mga mambabatas na humarang sa prangkisa ng ABS-CBN.
Pati ang ilang celebrities na matagal na niyang kakilala ay nag-unfollow sa kanya.
Sa kabila ng mga birada, nanatiling tahimik si Toni sa mga batikos at pang-aalipusta sa kanya.
Recently, sa kanyang Instagram, nagsalita na rin ang actress turned vlogger tungkol sa naging desisyon niya na suportahan ang presumptive President ng ating bansa na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa kanyang statement, tila sagot sa mga nanlait sa kanya sa pagsuporta niya kay BBM ang kanyang naging hanash.
Ipinost niya ang mga larawan niya habang nasa campaign sorties ni BBM na may caption na: “In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone.”
Obviously ay pasaring ito sa kanyang detractors na para bang sinasabing nasa kanya pa rin ang huling halakhak.
Matatandaang sa simula pa lang ng kampanya ay inilantad na ni Toni na BBM supporter siya at dahil dito ay katakut-takot na pangba-bash, mura at masasakit na salita ang natanggap niya mula sa mga taong galit kay Bongbong.
Pero hindi nagpatinag si Toni at nagpatuloy lang sa pagsuporta sa kanyang ninong Bongbong.
Base naman sa number of followers niya, kahit nabawasan ito ay napalitan naman ito ng iba lalo na iyong mga taong nakasama at nakilala niya sa panahon ng kampanya ni BBM.