Advertisers
ISA na namang Team Lakay star ang nakatakdang sumabak sa susunod na event ng ONE Championship’s sa Hunyo.
Babalik si Jenelyn Olsim sa Circle laban kay Julie Mezabarba sa ONE 158; Pacio vs Brooks sa Hunyo 3 na e-broadcast live mula sa Singapore Indoor Stadium.
Puntirya ng Filipino star na makabalik sa winning kolum matapos mabigo sa kanyang nakaraang laban kontra Indian wrestling expert Ritu Phogat sa ONE Atomweight World Grand Prix semifinals sa ONE; NextGen noong October 2021.
Sa kabila ng pagkatalo kay Phogat, Si Olsim ay isa sa itinuturing na top prospect sa promotion.
Bago makaharap si Phogat, Olsim ay may dalawang dikit na panalo.
Una siyang umiskor ng third-round submission win kontra Brazillian knockout artist Maira Mazar sa ONE; Fist of Fury lll noong Marso 2021 bago ang unanimous decision win laban sa Vietnamese-American star Bi Nguyen noong Agosto sa parehong taon sa ONE: Battleground lll.
“Thank you everyone for believing and for all your support, you all inspire me. I will take full advantage of this moment to fight with all my heart!” anya.
Olsim, na isa sa most well-rounded fighters sa atomweight division, ay beterano sa maraming disciplines. Ang 25-year-old ay kasalukuyang sumasabak sa MMA, Muay Thai at Kickboxing.
Ang Team lakay stalwart ay bahagi rin ng Philippine national Vovinam team na sasabak sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi.