Advertisers

Advertisers

Sabungero tigok sa tari ng panabong

0 220

Advertisers

NASAWI ang isang sabungero nang aksidenteng tamaan ng tari ng isang manok sa loob ng sabungan sa Tagkawayan, Quezon nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Ronnel Nator, 47 anyos.

Ayon sa ulat, sasalang na sana sa isang laban ang manok ni Nator sa Tagkawayan Cockpit Arena 2:50 ng hapon. Nang papakawalan na niya ang manok, bigla itong nagwala at tinamaan ang biktima ng tari sa kanyang kanang hita.



Tinakbo pa sa pagamutan si Nator ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa matinding pagdurugo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">