Advertisers
Nag-uumpisa na naman sa ingay ang followers ni ALYSSA VALDEZ aka ‘The Phenom’, female counterpart ng boyfriend niyang si KIEFER RAVENA na ‘The Phenom’, male superstar athlete, assets ng ATENEO BLUE EAGLES na mas rumampa sa professional Sports.
Yun lang, mukhang nakikita ng followers na may hudyat ng balak na pagreretiro ang volleyball superstar.
Nagpalit kasi ng profile picture sa twitter si Aly, yung very last picture sa UNVERSITY ATHLETIC ASSOIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP) bidding farewell to the community, na sabi nga ay very random dahil marami naman siyang pictures para yun ang maging highlight.
As per post naman ni KIEFER RAVENA, he is retiring from the National Team. Mukhang amoy na ang magiging bagong plano at desisyon ng athlete lovers. To recall, nabanggit sa past interviews nila na looking forward naman kapwa sa future, on possibilities of joining plans for married life.
Dahil sa di kagandahang resulta ng journey ng Philippine Volleyball Team kung saan maraming nakapansin na di gumamit ng superstar o mas malakas na volleybelles ang coach sa katatapos nilang lahukan na 31st Asian Games.
Dagsa ang comments from sports followers sa social media concerning the possibilities, na baka mag-settle na sila ni KIEFER. Pwede rin naman na sa National Team lang magreretiro si ALY at rarampa pa rin sa Philippine Volleyball League (PVL).
May mga excited din kung babalikan ni ALY ang showbiz career sa tinampukang ‘PINOY BIG BROTHER” kung saan nasa top list siya pero iniwan ang chance para bumalik sa first love niyang volleyball.
On another thought, balik-showbiz na nga kaya si ALYSSA? Whatever, di mababago ang fact na bemedalled athlete si ALY at gusto man ng marami na makapagbitbit pa siya ng dagdag na medalya, sheis an undeniable Volleyball Superstar na talagang nagpasigla nang todo sa volleyball.
Marami pang mga susunod sa yapak ng isang ALYSSA VALDEZ, but she is already a legend in Philippine Volleyball. Kudos to whatever more this super volleybelle wishes to reach. HAPPY READING!